Linggo, Pebrero 14, 2016

Banghay-aralin sa Ayos ng pangungusap 6

Banghay-aralin sa Filipino VI
I.Layunin
Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a.naipapaliwanag ang karaniwan at di-karaniwang pangungusap;
b.natutukoy ang posisyon ng simuno at panaguri; at
c. masiglang nakikilahok sa mga Gawain sa loob ng klase.
II.Paksa
Karaniwan at di-karaniwang Pangungusap
Sanggunian: Hiyas sa Wika VI
Kagamitan: mga larawan
III.Pamamaraan
a.Panimulang Gawain
b.Pagganyak
Narito ang mga halimbawa ng larawan. Sinong nakabubuo ng pangungusap kaugnay sa mga larawang ito?
 










c.Pagtalakay
Simuno – bahagi ng pangungusap na pinag-uusapan
Panaguri – nagsasabi tungkol sa simuno. Sa tulong ng nga ito malalaman mo o masusuri ang ayos ng pangungusap.
Panaguri + simuno = karaniwang ayos ng pangungusap
Simuno + panaguri = di-karaniwang ayos ng pangungusap
Ibig sabihin nasa karaniwang ayos ang pangungusap kapag ang panaguri ay nauuna kaysa sa simuno at kapag simuno naman ang nauuna sa panaguri ang pangungusap ay nasa di-karaniwng ayos ng pangungusap. Kalamitang may ay ang pangungusap na nasa di-karaniwang ayos ng pangungusap.
Halimbawa:
1. Mahilig kumain ng gulay si Ana.
2. Halos sirain na ng bagyo ang mga bahay sa tabing dagat.
3. Bigyan ng katarungan si Mang Gusting.

Kung ang karaniwang ayos ng pangungusap ay nais baguhin sa di karaniwang ayos. Narito ang halimbawa nito na nakasulat nang pahilig.
1. Mahilig kumain ng gulay si Ana.
Si ana ay mahilig kumain ng gulay.
2. Halos sirain na ng bagyo ang mga bahay sa tabing dagat.
Ang mga bahay sa tabing dagat ay halos sirain na ng bagyo.
3. Bigyan ng katarungan si Mang Gusting.
Si ang gusting ay bigyan ng katarungan.
d.Pagsasanay (Pangkatang gawain)
Hahatiin ang mag-aaral sa 6 na grupo at sasagutan nila ang puzzle. Paunahan sa pagkopya at pagsulat ang unang makakatapos ay makakakuha ng mataas na point.
Pahalang
1. tawag sa pangungu na nauuna ang simuno
2. binubuo ng mga lipon ng salita na nagpapahayag ng buong diwa.
5. kalimitang ginagamit ng karaniwang pangungusap
6. ang pinag-uusapan sa pangungusap
Pababa
2. tawag sa pangungusap na nauuna ang panaguri
4. nagsasabi tungkol sa simuno
IV.Pagtataya
Tukuyin gng simuno at panaguri sa mga pangungusap. Bilugan ang simuno at panaguri. Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay karaniwan o di-karaniwan.
__________1. Ang mga Pilipino ay may malaking respeto ky Dr. Jose Rizal.
__________2.hinihiling ng mga mamamayan ng nasalanta ng bagyo na bisitahin sila ng pangulo.
__________3. Hinahangaan ng mga Pilipino si Manny Pacquiao sa husay nito sa larangan ng boxing.
__________4. Siya ay nagpunta sa Maynila upang magpakadalubahasa sa siyensa.
__________5. Si Gng. Lolita ay tinanghal na natatanging guro sa taong ito.
V.Takdang-Aralin

Gumupit ng isang larawan na gusto mong matanggap sa iyong kaarawan. Idikit ito sa short bond paper. Sumulat ng tig-dalawang pangungusap at tukuyin ang posisyon ng simuno at panaguri at kung ito’y nasa karaniwan o di-karaniwang ayos.